Pumanaw na ang huling pangulo ng Soviet Union na si Mikhail Gorbachev sa edad na 91-anyos.
Hindi na binanggit ng kampo nito ang sakit nito na binawian ng buhay habang nasa pagamutan.
Si Gorbachev ang itinuturing na siya ang nagtapos ng Cold War ng walang anumang dugong kumalat.
Pero sinisisi naman siya ng mga mamamayan dahil sa pagbagsak ng Soviet government.
Nakipagkasundo ito sa arms reduction deal sa US at Western countries para matanggal umano ang “Iron Curtain” na naghihiwalay sa Europe mula pa noong World War Two.
Noong ito ay general secretary ng Soviet Communist Party noong taong 1985 sa edad na 54-anyos ay nakapag-set out ito ng sistema na nagpakilala ng limitadong political at economic freedoms.
Dahil sa kaniyang polisiya na “glasnost” o “free speech” ay nagkaroon ng pagsulong para maging independent ang Baltic republic of Latvia, Lithuania, Estonia at iba pa.