Inilabas ng mga otoridad ang kakila-kilabot na video footage ng huling sandali ng mga international climbers na nawala sa ikalawang pinaka-mataas na bundok sa India.
Ibinahagi ng Indo-Tibetan Border police ang nasabing video footage sa kanilang official Twitter account.
Makikita rito ang walong mountaineers — apat na Briton, dalawang Americans, isang Australian at Indian liaison officer — habang pababa ang mga ito sa Himalayan mountain.
Nasawi ang walong climbers matapos nilang mawala noong May 26 sa Nanda Devi East, isa sa itinuturing na pinaka mapanganib na bundok sa buong mundo.
Pinangunahan ng beteranong British climber na si Martin Moran ang naturang pag-akyat.
Aabot ng halos dalawang minuto ang video clip na ibinahagi sa Twitter.
Narekober ang memory card ng GoPro camera na ito malapit sa lugar kung saan natagpuan din ang mga bangkay ng biktima.
“The GoPro was proved to be like the black box of an aircraft giving an insight into the last few moments of the climbers,” saad ni ITBP deputy inspector general APS Nambadia. “It was mesmerizing for us to see the footage.”