-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Inaasahan na ang paglunsad ng kaliwat kanang protesta ng ibait-ibang grupo ngayong araw kasabay ng huling State of the Nation Adress (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bobby Roldan ang Vice President for Luzon ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), kasama umano ang kanilang grupo sa mga magsasagwa ng kilos protesta ngayong araw upang ipahayag sa gobyerno ang mga panawagan ng sektor.

Target na isagawa ang kilos protesta malapit sa Batasang Pambansa kung saan ihahayag ni Duterte ang kanyang mga nagawa at mga ilulunsad na programa bilang pangulo ng bansa.

Kabilang sa mga ipo-protesta ng grupo ang kawalan ng aksyon sa panghaharass ng mga Chinese coast sa Filipinong mangingisda sa Panatag shoal, kulang na ayuda ngayong may pandemya at iba pa.

Nakatakda rin na magsagawa ang iba pang grupo ng kilos protesta sa ibat ibang panig ng bansa.