Gagamitin na ng Philippine National Police (PNP) ng mga body worn cameras sa pagbabantay sa seguridad sa darating na SONA ni Pang Rodrigo Duterte sa Lunes.
Kasama sa deployment ng mga pulis ang mga body cameras para ma -document ng maigi ang pangyayari.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, dahil limitado lang ang bilang ng body cameras nila ay pili lang na mga pulis ang makakagamit nito.
” Yes, for Metro Manila our different police stations were issued BWCs and as per arrangement ito yung mga sinasabi natin na mga events na gagamitin natin sila and aside from that meron tayong alternative recording devices, itong mga cell phones na gagamitin but sa atin ito kasing BWCs that were just issued recently ginamit natin siya sa deployment ng mga vaccines pati na rin yung sa pag eescort natin dito sa mga vaccines and other personnel pero on this particular event, this SONA, gagamitin natin yun para madocument din natin itong event na ito on this coming Monday,” pahayag ni Gen. Eleazar.
Nasa 15,000 ang kanilang ipakakalat sa Metro Manila kung saan ang sentro nito ay sa Batasan area na pagdarausan ng event.
Sinabi ni Eleazar, halos 11,000 ang galing sa NCRPO habang ang nalalabi naman ay galing sa iba’t ibang unit ng PNP.
Magkakaroon din ng augmentation mula sa AFP na tutulong sa mga tauhan ng PNP
Dagdag pa ni PNP Chief, nakaantabay din sila sa mga aktibidad ng iba’t ibang grupo sa SONA.
Sa ngayon, nakikipag ugnayan sila sa ibat ibang stakeholders para matiyak na magiging maayos at payapa ang pagdaraos ng SONA.
” By the way kahit naman previously talagang nagdedeploy tayo ng pulis sa iba’t ibang lugar. Yung iba nakastandby. Mas maganda na kasi na on this particular occasion ay nakaready tayo lahat but I would just like to assure the public na ang presence ng pulis whether yan ay nasa places of strategic locations or they are standing by in different camps is to ensure na nakahanda tayo sa lahat ng eventualities. NCRPO through its
QCPD has been engaging with the different stakeholders for dialogues, consultations dahil hangad natin is maging maayos ang pagdaraos ng SONA just like what we have experienced for the past 5 years,” dagdag pa ni Eleazar.
Samantala, inihayag naman ni NCRPO chief, Maj. Gen. Vicente Danao Jr. na ang mga BWC ay gagamitin para imonitor ang sitwasyon vital areas lalo na kung kakailangin ang dagdag na police visibility.
Ang PNP ay mayruong 2,696 BWCs na ipinamahagi sa 171 police stations at units nationwide.