-- Advertisements --

Opisyal nang naging extinct sa Malaysia ang Sumatran rhino matapos mamatay ang pinakahuling specimen nito sa bansa.

Ayon sa mga opisyal, ang 25-anyos na babaeng rhino na pinangalanang Iman ay pumanaw nitong Sabado dahil sa cancer.

Dakong alas-5:35 ng hapon nang sumakabilang buhay ang naturang hayop.

“Its death was a natural one, and the immediate cause has been categorised as shock,” wika ni Sabah State Tourism, Culture and Environment Minister Christine Liew.

Maalalang nitong Mayo nang pumanaw na rin ang huling male Sumatran rhino ng Malaysia.

Pinaniniwalang mababa na lamang sa 100 ang bilang ng nasabing mga hayop at matatagpuan sa silangang bahagi ng India kasama na ang Malaysia.

Itinuturing na rin ito bilang critically-endangered dahil sa target ito ng mga poachers, maging ang pagkawala ng kanilang natural na tahanan. (BBC)