Maaari ng umasa ang mga empleyado ng gobyerno na makatanggap ng mas mataas na sahod dahil ang huling tranche ng ipinag-uutos na pagtaas ng suweldo para sa mga manggagawa ng estado ay nagkabisa na mula Enero 1, ayon yan sa Department of Budget and Management (DBM).
Ang ikaapat at huling tranche ay ang huling yugto ng pagtaas ng suweldo na ipinag-uutos ng “Salary Standardization Law of 2019,” o Republic Act (RA) 11466, series of 2020.
Nagkabisa ang unang installment noong Jan. 1, 2020.
Dagdag dito, ang pagtaas ng sahod ay nalalapat sa lahat ng mga posisyon para sa mga suweldong tauhan ng local government unit (LGU) ng ating bansa.
Una na rito, sinabi ng Department of Budget and Management na humigit-kumulang ₱48 milyon ang inilalaan sa ilalim ng Governance Commission for government-owned or controlled corporations (GCG) budget para suportahan ang pagsasagawa ng pag-aaral sa istruktura ng kompensasyon ng gobyerno ng iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan at government-owned or controlled corporations.