-- Advertisements --

Naibenta sa auction sa halagang $336,000 o katumbas ng mahigit P16-milyon ang huling warm-up jacket na isinuot ng namayapang si Kobe Bryant.

Ang nasabing jacket ay naisuot niya sa laban ng Los Angeles Lakers at Utah Jazz noong Abril 2016 kung saan nakapagtala ito ng 60 points sa Staples Center.

Ayon sa SCP Auctions na umabot sa 35 bidders ang nagkainteres sa nasabing jacket.

Ang gold adidas jacket na size XL ay makikita ang mga patches ng mga awards na nakamit ng Los Angeles Lakers kabilang ang 16 na kampeonato.

Magugunitang mula ng masawi si Bryant noong 2020 dahil sa pagbagsak ng helicopter na sinakyan nito kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa ay tumaas ang presyo ng mga gamit nito.