-- Advertisements --
Absentee voting
Absentee Voting (Photo: Nes Mercado)

Hinimok ni Comelec Comm. Rowena Guanzon ang mga guro, pulis, sundalo at media at iba pang kwalipikado na humabol sa local absentee voting (LAV).

Ito’y dahil isang araw na lang ang nalalabi bago ito matapos.

Ang LAV ay sinimulan noong Lunes para sa tatlong araw na pagboto ng mga personnel na may mga gagampanang papel sa araw ng halalan.

Nabatid na matumal pa ang turnout hanggang sa araw na ito, base sa record ng poll body.

Lumalabas na may ibang nanghihinayang sa boto para sa local candidates kaya ayaw nila sa LAV.

Samantala, pinuri naman ni Guanzon ang 8,000 nakilahok sa overseas absentee voting sa Kuwait.

Karamihan umano sa mga ito ay kababaihan at inaasahang marami pa ang hahabol.

Maliban sa Kuwait, marami na rin ang bumoto sa Singapore, Hongkong at iba pang mga bansa.