-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nanakawan ang opisina ng human resource sa Baguio City hall habang dumalo sa flag raising ceremony ang mga empleyado.

Nakilala ang mga nanakawan na sina Ernesto Bayo Baniaga, Zenaida Nesperos Ordinario, Marso Manuel Parnacio, Bia Santiago Beho at Sabado Bagtoen Ugalde.

Batay sa report, pagakatapos ng flag raising ceremony ay bumalik ang mga biktima sa kanilang opisina ngunit dito nila natuklasan na nasira ang sliding door ng tanggapan.

Nanakaw mula sa mga biktima ang apat na cellphone at isang wallet na naglalaman ng identification cards.

Nakakuha naman ang pulisya ng CCTV footage sa opisina at sa ngayon ay iniimbestigahan na ang kaso para sa pagkakakinlanlan sa salarin.