-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umalma ang mga human rights activists sa Western Visayas matapos idinawit ng whistleblower na si Jeffrey Celiz sa red tagging issue sa Senate Hearing.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Karapatan Panay Sec. General Reylan Vergara, sinabi nito na pangunahing layunin lang niya ay ipaglaban ang karapatan ng mga biktima ng kawalan ng katarungan.
Ayon kay Vergara, hindi totoo na recruiter siya ng CPP-NPA-NDF, taliwas sa akusasyon ni Celiz.
Napag-alaman na nagsama na dati sina Vergara at Celiz bilang mga aktibista noong 2001 hanggang 2004 kung saan kanilang ipinaglalaban ang anti-mining.