Binigyang diin ng ilang mambabatas na ang mga Human rights advocates at hindi mga terorista ang bibigyang proteksyon ng Human Rights Defenders Protection Act o ang House Bill No. 77.
Tinitiyak ni House Human Rights Committee Chair Bienvenido “Benny” M. Abante, Jr. na hindi magagamit ang panukalang batas na ito ng mga terorista para sa kanilang pansariling agenda.
Malinaw umano sa Section 4 ng House Bill no.77 na ang human rights defenders ay ang sino mang tao o indibidwal na naglalayong proteksyonan ang isang karapatang pantao mapa local, regional, national o international levels man.
“The distinction between a human rights defender and a terrorist is clear, and these are apparent in the definitions of the former and the latter in House Bill No. (HB) 77 and Republic Act No. (RA) 11479, respectively,” sinabi pa ni House Human Rights Committee Chair Bienvenido “Benny” M. Abante, Jr.
Dagdag pa ni Rep. Abante, kung sakali man umano na may isang tao na nagsasabing siya ay human rights defender ngunit gumawa ng isang terrorist act, siya ay haharap parin sa kaukulang parusa ay hindi na iyon saklaw ng Human Rights Defenders Protection Act.
Samantala, sinalungat naman ni Representative Lagman ang pahayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) patungkol sa nasabing panukalang batas.
Aniya ang lantarang red-tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa mga may akda at taga suporta ng panukalang batas ay ang pinakamalaking dahilan kung bakit kailangan na agarang maisapabatas ito.