-- Advertisements --
Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga human rights groups dahil sa akusasyon na nakinabang umano ang gobyerno sa mga napapatay na suspek sa iligal na droga.
Sa kaniyang lingguhang “talk to the people,” iprinisinta ng pangulo ang naging accomplishment ng mga kapulisan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ipinakita nito ang mga listahan ng mga napatay sa drug operations at muling iginiit na hindi nakinabang ang kaniyang pamilya sa nasabing pagpatay sa mga suspek.
Tanging mga nakinabang lamang ay ang mamamayan dahil sa natiyak na ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya.
Nagmatigas pa rin ang pangulo na hindi ito makikibahagi sa anumang imbestigasyon na gagawin ng International Criminal Court (ICC).