-- Advertisements --

ILOILO CITY-Mariing kinondena ng Human Rights Group na Bayan Panay ang ginawang airstrike ng militar sa kuta ng mga rebelde sa Sition Burak, Brgy. Alimodias, Miagao, Iloilo.

Napag-alaman na siyam ang patay sa nasabing pamomomba kung saan nasawi ang mataas na lider ng NPA sa Iloilo.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Bryan Bosuqe, deputy spokesperson sang Bayan Panay, sinabi nito na hindi makatao ang ginawa ng militar kung saan inihambing nito sa corned beef ang katawan ng mga rebelde na nasawi sa airstrike.

Samantala, ayon naman kay MGen Benedict Arevalo, commander ng 3rd infantry division ng Phil Army, sinabi nito na ang nasabing mga rebelde ay siyang nasa likod ng pananakot at pangingikil sa mga residente sa Iloilo.