-- Advertisements --

Nananawagan na rin ang human rights lawyer na payagan ng makipagpiyansa si dating Senator Leila de Lima matapos na ito ay maging biktima ng hostage-taking incident sa detention facility ng Philippine National Police (PNP) sa Quezon City nito lamang linggo, Oktubre 9.

Sinabi ng Free legal Assistance Group (FLAG) na dapat ng agarang mapalaya ang dating Senadora dahil hindi siya banta at base na rin sa mga ebidensiya ay mayroon aniyang dahilan para siya ay gawaran ng pansamantalang kalayaan.

Sa pagbisita naman ni human rights lawyer at Chairman ng FLAG na si chel Diokno sa dating Senadora na ikinuwento sa kaniya ni De lima ang ginawang pang-hohostage sa kaniya.

Sinabi aniya ng Senadora na sinakal siya ng preso na nang-hostage sa kaniya at tinusok nang husto sa kanyang dibdib ng isang home-made na kutsilyo at sinabing nakahanda aniyang mamatay at pumatay ang nang-hostage.

Maaalala na nakulong ang dating Senadora sa PNP Custodial Center mula pa noong 2017 dahil sa non-bailable illegal drugs charges na isinampa laban sa kaniya ng Muntinlupa City regional trial court (RTC).