Kinondena ng grupong Human Rights Watch ang hindi pagpayag ng korte na gawaran ng bail si dating Senator Leila De Lima.
Ayon kay HRW senior researcher Carlos Conde, ang naging hakbang na ito ng korte ay lalo pang magpapahirap sa kalagayan ng dating Senador.
Tinawag din nito ang naging hakbang ng korte bilang isang political persecution, kasabay ng pagsasabing nararapat lamang itong kondenahin ng international community.
Samantala, sa hiwalay na pahayag, tinawag naman ni HRW deputy Asia Director Phil Robertson ang desisyon ng korte bilang outrageous at unaaceptable.
Nararapat lamang aniyang kondenahin ito ng lahat ng mga diplomat sa bansa.
Maalalang kahapon ay inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 ang desisyon nito ukol sa petition for bail ni De Lima, kung saan hindi ito pinagbigyan ng nasabing korte.