-- Advertisements --

Ibinunyag ng Human Rights Watch (HRW) at ang London-based Bahrain Institute for Rights and Democracy (BIRD) na nasa 13 mga kabataan na may edad 11-17 ang ikinulong ng mga kapulisan sa Bahrain.

Isinagawa umano ng mga kapulisan ang pag-aresto noong Pebrero para hindi dumalo ang mga ito sa protesta sa paggunita ng ika-10 taon na pro democracy rally.

Ayon sa grupo na bukod sa pananakit ay binantaan pa ang mga bata na sila ay gagahasain at kukuryentihin.

Ang mga menor-de edad aniya ay inaresto dahil sa mga kaso ng pagsunog ng gulong ng sasakyan at pagharang sa mga kalsada.

Nananatili pa rin sa kustodiya ng mga kapulisa ang apat na kabataan kabilang ang isang 16-anyos na may malubhang medical condition.