CENTRAL MINDANAO – “Wag paguyo at mag-ingat sa mga agents na nagbebebenta ng mga real properties lalo na ang mga nag-aalok ng mababang presyo sa rehiyon 12.”
Ito ang sinabi at panawagan sa publiko ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD 12) Regional Director Jennifer Bretaña.
Ayon kay Bretaña ito ay bunsod ng pagsulputan ng mga agent na nagbebenta ng mga bahay at lupa sa murang presyo.
Karamihan sa mga agent na ito ayon kay Bretaña ay naka-post sa Facebook ang mga ibinebentang mga ari-arian.
Payo pa ni Bretaña sa publiko makipag-transaction lamang sa mga rehistradong sellers o may license to sell.
Umapela rin si Bretaña sa publiko na huwag basta magbigay ng reservation fee sa mga agent na nakikipagtransaksyon sa kanila.
Dapat din ayon kay Bretaña na tiyakin ng publiko na walang magiging problema sa pagkakaroon ng access road, drainage system at iba pa ang bibilhing ari-arian.
Ayon kay Bretaña malalaman ng publiko sa kanilang tanggapan kung lehitimong seller ang nagbebenta sa kanila ng mga ari-arian.