-- Advertisements --

Hahabulin na ng Department of Migrant Workers at Anti-Money Laundering Council o AMLC ang mga human trafficker at illegal recruiter.

Ito’y matapos lumagda sa isang kasunduan sina DMW officer-in-charge undersecretary Hans Leo Cacdac at AMLC executive director Matthew David para mapalakas pa ang kanilang ugnayan laban sa human trafficking at illegal recruitment.

Sa pamamagitan nito magsanib-pwersa ang dalawang ahensya para imbestigahan at panagutin ang mga asset ng mga human trafficker at illegal recuiter para maprotektahan ang kapakanan ng mga OFW.

Kaugnay nito hinikayat ng ahensya ang ating mga kababayang OFW na biktima ng krimen na may kaugnayan sa pananalapi, humihingi ng libreng legal asistance sa kanilang tanggapan.

Na maari umanong makipag ugnayan sa pamamagitan ng kanilang social media account para ma-aksyonan at mapanagot ang mga illegal recruiter.