-- Advertisements --

Nakatakdang simulan ng drug company na Sanofi sa buwan ng Setyembre ang kanilang human trials ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa US Department of Health and Human Services, mayroon na silang inilaan na $30 million na pondo para sa nasabing research.

Tiwala ang kompaniya na makakakuha na sila ng full approval ng unang anim na buwan ng 2021.

Posible rin na sa 2021 ay makakagawa na sila ng one billion na mga bakuna sa susunod na taon.

Ayon sa World Health Organization (WHO) umaabot na sa 13 na bakuna laban sa COVID-19 ang sumasailalim sa clinical trials o mahigit naman sa 100 ang mga nagbabalak din matapos makaimbento raw ng vaccine.