Magtatapos na ngayong araw ang 35th PH-US Balikatan Exercise 2019 na nagsimula noong April 1.
Bukod sa joint exercises ng mga sundalong Pinoy at Amerikano, may mga humanitarian and civic assistance activities na isinagawa sa apat na probinsiya sa Luzon gaya ng Tarlac, Batangas, Laguna at Bataan.
Kabilang sa mga proyekto ay ang pag-construct ng medical facility at classrooms.
Layon ng military exercise ay palakasin pa ang inter-operability sa panahon ng pagpaplano at execution sa joint operation upang magkaroon ng security and stability sa Indo-Pacific region.
Wala namang pinatutukuyang sinuman ang event na nakasentro sa counter terrorism, extremism, territorial defense, at humanitarian and disaster response.
Ayon kay Balikatan US media relations Lt. Tori Sharpe, walang kinalaman sa aktibidad ng China sa West Philippine Sea ang isinagawang amphibious landing exercise.
Ito’y kahit kabilang sa joint war games ang pagbabantay sa teritoryo ng bansa.
Isinagawa ang amphibious exercise sa karagatan ng San Antonio, Zambales harap ng West Philippine Sea.
Ang USS Wasp na isang multipurpose amphibious assault vessel ay nakaangkla sa karagatan ng Zambales malapit sa Scarborough Shoal na inaangkin ng China.