-- Advertisements --

May tatlong kondisyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na inilagay sa pagpapatupad nila ng walong oras na “humanitarian ceasefire” sa Marawi City.

Epektibo ang humanitarian pause alas-6:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon mamaya.

Ito ay para bigyang daan ang mga kababayan nating Muslim na ipagdiriwang ngayong araw ang Eid al-Fitr, hudyat ng pagtatapos ng buwan ng Ramadan.

Paliwanag ni AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla,na ang deklarasyon nilang “Humanitarian Pause” ay ang pagtigil sa paggamit ng kanilang mga capabilities.

Pagbibigay-diin ni Padilla na kapag nilabag ang tatlong kondisyon na kanilang tinukoy ay agad itong kanselahin ng militar.

Ang tatlong kondisyon ay ang mga sumusunod: 1) our troops security is jeopardized; 2) safety of civilians is threatened; and 3) if the enemy starts firing and at which point anyone can exercise their right to self defense.

Sinabi ni Padilla na ginawa ito ng militar bilang pagbibigay respeto sa Muslim community partikular sa Marawi City.