Natuloy na rin ang pagbiyahe ng barko ng Philippine Red Cross (PRC) upang magdala nang dagdag pang tulong para sa mga residente ng Catanduanes na sunod-sunod na sinalanta ng mga bagyo.
Nanguna si PRC chairman at CEO Senator Richard Gordon sa ginanap na send off ceremony sa humanitarian ship na M/V Amazing Grace sa Subic, Zambales.
Ang naturang barko ang siyang tanging ambulance at disaster response ship sa bansa.
Sakay ng M/V Amazing Grace ang mga non-food items para sa mga apektado ng kalamidad kabilang na ang mga hygiene kits, blankets, sleeping mats, mosquito nets, mga 10-liter at 20-liter jerry cans, galvanized iron o GI sheets para sa mga nawalan ng bubungan at mga kitchen sets.
Karga rin ng barko ang ilang mga behikulo na siyang maghahatid sa mga kagamitan na bilang tulong sa mga residente sa lugar.
“M/V Amazing Grace’s travel to Catanduanes is its first humanitarian deployment. We will continue to help our fellowmen in the province until they are fully recovered and stable again. The Red Cross is not only here to give food and emergency aid, but most importantly, we want to help the people restore their dignity once again and get their lives back on track. Amazing Grace hopefully becomes a symbol of hope for our people,” ani Sen. Gordon.
Sa mga Red Cross associations sa buong mundo tanging ang Philippine Red Cross lamang ang may barko para sa humanitarian deployment.