-- Advertisements --

Tinanggihan umano ng Russia ang garantiya ng humanitarrian access para sa paglikas ng daan-daang libong mga sibilyan na naipit sa nangyayaring sigalot sa Ukraine.

Sinabi ni ng Foreign Minister ng Ukraine na si Dmytro Kuleba na nakupagpulong siya kay Sergei Lavrov ng Russia sa Turkey.

Ngunit sa kabila nito ay wala aniya siyang nakuhang tiyak na pangako mula kay Lavrov na ihihinto ng Russia ang pagpapaputok upang magbigay-daan sa pagpapaabot ng tulong para sa mga sibilyan dito, kabilang na ang paglilikas sa maraming mga taong na-trap sa kinubkob na port ng Mariupol.

Samantala, hindi naman nagpakita ng kahit na anong senyales si Lavrov sa paggawa ng kahit na anong concessions, at paulit-ulit na binigyang diin ang demands ng Russia na i-disarmed ang Ukraine at tanggapin nito ang isang neutral status.

Magugunita na kamakailan lang ay kinondena ng Ukraine ang Russia sa pagbomba umano nito sa isang children’s hospital sa Mariupol kahit na una nang nagpahayag ang Moscow, Russia ng ceasefire sa ilang mga lugar sa Ukraine kung saan isinasagawa ang mga paglikas.