LAOAG CITY – Umaabot na sa humigit-kumulang 16 na milyong indibidwal ang apektado ng snow storm sa Estados Unidos.
Ito ang kinumpirma ni Bombo International News Correspondent Rene Ballenas dahil ilan sa mga estado ay nakakaranas na ngayon ng matinding niebe lalo na sa Virginia, Kentucky, Indiana, West Virginia, Maryland, Washington D.C at Illinois.
Napag-alaman din na may ilang indibidwal na, na namatay dahil sa snow storm na kanilang nararanasan.
Ayon sa kanya, kung ang Pilipinas ay nakararanas ng pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan, sa Estados Unidos naman ay dahil sa snow.
Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 265,000 na rin na residente ang nawalan ng suplay ng kuryente, at maraming negosyo ang nagsara dahil sa umaabot na sa 18 na pulgada ang kakapal ng niebe na naitala.
Kabilang din na nakansela ang 2,000 flight sa Estados Unidos, pati na ang mga pasok sa paaralan na sakop ng Philadelphia, Baltimore at Washington D.C. at may ilang estado na rin ang nagdeklara ng states of emergency.
Samantala, una nang nagbabala ang National Weather Service (NWS) sa mga residente dahil posibleng magtagal pa ang snow storm sa Estados U