-- Advertisements --

Lumalabas sa isinagawang panibagong survey ng Social Weather Stations Research sa ikatlong quarter ng taong 2022 na nasa 11.3% o humigit kumulang 2.9 million ng pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng “involuntary hunger” o kagutuman.

Isinagawa ang naturang survey sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpapakita na ang mga indibidwal na nagsabing ang kanilang pamilya ay nakaranas ng kagutuman at hindi nakakakain ng anuman kahit isang pagkakataon sa nakalipas na tatlong buwan.

Ayon din sa survey mula sa SWS, nasa 9.1 % ang nakakaranas ng “moderate hunger” o mga nakakaranas ng kagutuman ng isang pagkakataon o iilang beses lamang at 2.2% naman ang nagsabing nakakaranas ng “severe hunger” o labis na kagutuman o madalas/palaging nakakaranas ng kagutuman.

Ang hunger rate sa bansa ay bahagyang mas mababa kumpara sa survey na isinagawa noong Hunyo.

Pinakamataas na hunger incidence ay sa Metro Manila kung saan nasa 16.3% ng mga pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng kagutuman sumunod ang Mindanao na may 15.3% , Balance Luzon (9.6%) at sa Visayas (7%).