-- Advertisements --

Humigit-kumulang 350,000 kilo ng basura ang nakolekta nitong Sabado bilang resulta ng nationwide coastal cleanup sa buong bansa kung saan aabot sa 74,000 volunteers ang nakiisa. 

Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources ang inisyatiba sa pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day.

Pinangunahan nina DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga at DENR-NCR OIC Regional Executive Director Atty. Michael Drake Matias ang paglilinis sa kahabaan ng seaside area sa Pasay City. 

Karamihan sa mga boluntaryo ay mga kabataan.