-- Advertisements --
Humigit kumulang 50 mga stalls ang natupok sa naganap na sunog sa isang establisyimento sa Kanlaon Street, Barangay Santa Teresita, Quezon City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, ang mga stall na ito ay nagbebenta ng ibat-ibang panindang dekorasyon.
Sumiklab ang apoy pasado alas 10 ng umaga at ito ay kaagad na itinaas sa 2nd Alarm.
Kabilang sa mga natupok ng apoy ay mga panindang christmas decorations.
Ilang minuto rin tumagal ang sunog at ito ay tuluyang idineklarang fire out bandang 11:40 am.
Ayon sa BFP, walang naitalang sugatan o nasaktan dahil lahat ay kaagad na nakalabas .
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng ahensya upang malaman ang pinagmulan nito maging ang kabuuang halaga ng pinsala.