-- Advertisements --
image 434

Nananatiling stranded ang humigit-kumulang 600 katao sa ilang pantalan dito sa NCR at Southern Tagalog ngayong araw.

Ito ay batay sa pinakahuling datus ng Philippine Coast Guard.

Sa North Port Passenger Terminal dito sa NCR, umaabot sa 477 katao na kinabibilangan ng mga pasahero, driver, at mga helpers ang nananatiling hindi nakakabiyahe.

Kabilang din dito ang sampung mga sasakyang pandagat na ilang araw na ring hindi pinayagang bumiyahe.

Sa Southern Tagalog, nananatili namang stranded ang 119 katao na kinabibilangan ng mga pasahero, piloto, at mga helper sa sampung mga pantalan mula sa ibat ibang probinsya.

Maliban sa mga stranded na pasahero, nananatiling hindi pa nakakabiyahe ang hanggang 13 na sasakyang pandagat at 55 motorbanca.

Maalalang una nang pinayagan ang mga malalaking sasakyang pandagat na makabiyahe sa ilang malalaking pantalan sa buong bansa, habang pinagbawalan namang makalayag iba pang mga banka na patungo sa mga lugar na mataas pa rin ang banta ng daluyon o matataas na alon.