-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Tinatayang nasa 65 milyong katao ang apektado ng nararanasang winter storm sa parte ng North East ng Estados Unidos kabilang na ang Los Angeles California.

Ayon kay Bombo International News Correspondent mula sa USA na si Isidro Madamba Jr., dalawang araw naranasan ng naturang bansa ang malakas na pag-ulan na may kalakip na malakas na hangin na sinabayan pa ng makakapal na nyebe na aniya, halos anim na talampakan na ang kapal.

Nagdulot aniya ito ng pagkawala ng signal, pagtigil ng mga transportasyon, at pagkasuspinde ng mga klase at trabaho.

Pagbabahagi pa ni Madamba na madalas ng magkaroon ng babala sa lagay ng kanilang panahon upang mabigyang abiso ang mga residente roon.