-- Advertisements --

Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng humigit-kumulang 8,000 pulis para i-secure ang iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa gitna ng deklarasyon ng tatlong araw na welga ng transport groups na sasamahan din ng ilang labor organization.

Sinabi ni NCRPO director Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, na ang deployment ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng publiko, gayundin ang mga hindi sasama sa transport strike na sisimulan ng Piston ngayong araw, Abril 29.

Inilagay rin aniya ng kanilang mga tauhan sa full alert status bilang bahagi ng kanilang contingency plan para sa transport strike.

Sa isang press briefing, sinabi ng Piston na ang welga ay isang patuloy na protesta laban sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program, na aniya, ay pabigat sa mga jeepney operator at driver dahil ito ay magpipilit sa kanila na mag-avail ng higit sa P2 milyon halaga ng modernong jeepney.

Ang transport strike ay itinaon din sa Abril 30 na deadline na itinakda ni Pangulong Marcos para sa franchise consolidation, na isang pangunahing kinakailangan para sa mga jeepney operator at driver upang ipagpatuloy ang kanilang prangkisa.

Hindi bababa sa dalawang grupo ng manggagawa ang nangakong sasali bilang suporta sa Piston dahil sinabi nila na ang PUV Modernization Program ay magbibigay daan sa pagtaas ng pamasahe dahil ang pagtaas ng pamasahe ay ang tanging lohikal na dahilan kung saan makukuha ng mga operator ang kanilang mataas na buwanang amortization at maintenance cost para sa mga modernong jeepney.

Sinabi ni NCRPO chief information officer Lt. Col. Eunice Salas na ipapakalat nila ang lahat ng availabkd nilang sasakyan para tulungan ang mga commuters na ma-stranded sa transport strike, lalo na sa mga oras ng rush ngayong Lunes, Abril 29, at Martes, Abril 30.

Mayroon ding 90 available na sasakyan ang NCRPO na naka-standby para magbigay ng libreng sakay sa mga kababayan na maaapektuhan ng transport strike.