Iniulat ng Konsulada ng Pilipinas sa Honolulu na tumataas ang bilang ng tawag at emails na kanilang natatanggap na humihingi ng tulong para mahanap ang mga nawawalang Pilipino at Filipino-American o miyembro ng kanilang pamilya matapos ang pinsalang idinulot ng wildfires sa Maui island sa Hawaii.
Ayon naman kay Consul General Emilio Hernandez na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa local authorities kaugnay dito at inabisuhan ang mga ito na magpadala ng kanilang queries para ma-access ang mga organisasyon na makakatulong sa paghahanap ng kanilang nawawalang mga kamag-anak o miyembro ng kanilang pamilya.
Base sa abiso mula sa Americal Red Cross, maaaring tumawag ang mga nais humingi ng tulong para mahanap ang kanilang nawawalang mahal sa buhay dahil sa naturang sakuna sa pamamagitan ng kanilang hotline na 1-800-733-2767.
Sa kasalukuyan, hamon pa rin para sa Konsulada na makakuha ng wastong listahan ng nawawalang mga Pilipino at Fil-Amna napaulat na nawawala.
Bagamat nauunawaan nila na nakatutok ngayon ang mga lokal na awtoridad ng Maui sa paghahanap at pagrekober sa mga labi at pagbabalik ng normal na sitwasyon sa Lahaina.
Samantala, hinimok naman ng Consul General ang mga kamag-anak ng mga nawawalang Pilipino na magbigay ng DNA samples para mapabilis ang pagproseso sa pagkakakilanlan ng mga nasawi na narekoner mula sa Groun zero.