-- Advertisements --
Inaprubahan na ng mga mambabatas ng Hungary ang pagsali ng Sweden sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Nag-apply ang Sweden na maging NATO member mula ng atakihin ng Russia ang Ukraine noong 2022.
Hindi naman agad ito inaprubahan ng Hungary ito dahil sa inakusahan na galit lamang ang Sweden kaya nag-apply ito.
Subalit sinabi ni Hungary Prime Minister Viktor Orban , na ang dalawang bansa ay handang mamatay para sa isa’t-isa kaya nila ito inapubahan na.
Tinawag naman ni Swedish Prime Minister Ulf Kristersson na isang makasaysayang araw ang nasabing pag-apruba ng Hungary.
Sinabi naman ni Nato Secretary
General Jens Stoltenberg na ang desisyon ng Hungarian parliaments ay nagpapakita ng mas lalong matibay at ligtas ang pag-alyansa.