-- Advertisements --

Itinigil na ng oposisyon na si Alexei Navalny ang kaniyang 24-araw na hunger strike.

Isinagawa nito ang hunger strike para siya ay madala sa pagamutan dahil sa nanganganib aniya ang kaniyang buhay.

Ang nasabing anunsiyo ay isinagawa matapos na siya ay gamutin ng kaniyang doktor.

Magugunita na ang kanyang hakbang ay nagdulot ng malawakang kilos protesta.

Si Navalny na isa sa matinding kritiko ni Russian President Vladimir Putin ay una nang napaulat na nilason habang ito ay nasa flight kung saan dinala pa siya sa Berlin Germany at doon pinagamot.