-- Advertisements --
Kinasuhan ni Hunter Biden ang Internal Revenue Service (IRS).
Ayon sa anak ni US President Joe Biden, na inakusahan niya ang dalawang agents ng ahensiya dahil sa pamamahagi umano ng mga ito ng kaniyang personal tax information.
Sinabi naman ng abogado nito na sinadya umano ng US tax agency na siya ay pahiyain.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay binasahan ng sakdal si Hunter dahil sa federal firearms charges.
-- Advertisement --
Mariing itinanggi naman nina IRS supervisory special agent Greg Shapley at second agent Joe Ziegler na mayroong motibong pamumulitika ang pagsampa nila ng kaso laban sa presidential son.