-- Advertisements --

Tinawag ni US presidetial son Hunter Biden na nakaka-dismaya ang hatol sa kaniya ng korte.

Ito ang naging reaksyon ni Biden matapos na napatunayan ng federal jury na siya ay guilty sa tatlong federal felony gun charges.

Lumabag aniya ito sa batas kung bakit nakakuha ng mga baril gayong may addictions sa iligal na droga.

Dagdag pa nito na nagpapasalamat na lamang siya dahil sa kasama niya ang kaniyang pamilya na sumusuporta sa kaniya.

Sa panig naman ni US President Joe Biden na kahit na siya ang pangulo ay nandiyan pa rin ang pagiging isang ama.

Sinusuportahan niya kasama ang asawang si Jil sa anumang pinagdadaanan ng anak.

Kahit na pangulo siya ng US ay kaniyang nirerespeto ang anumang sinasabi ng batas.

Ang mga kaso ay kinabibilangan ng two counts ng pagsisinungaling nito sa federal background check form na ito ay gumagamit ng iligal na droga at ang third count ay ang pag-mamay-ari nito ng baril habang addicted o gumagamit ng iligal na droga na ipinagbabawal sa batas.

Ang nasabing hatol ay siyang unang pangyayari sa kasaysayan ng US na ang immediate family member ng isang pangulo ang napatunayang guilty sa kaso.

Babasahan ito ng hatol pagkatapos ng 120 araw kung saan maaring makulong ito ng 25 taon at mababayad ng hanggang $750,000.