Naghain ng guilty plea si US Presidential son Hunter Biden sa kaniyang federal tax evation case.
Una ng itinanggi ng 54-anyos na si Biden ang alegasyon na umiwas siyang bayaran ang $1.4-milyon na income tax mula 2016 hanggang 2019.
Sa unang plano nito ay nais niyang pumasok sa tinatawag na Alford plea kung saan tatanggapin niya ang mga kaso habang pinapanatili ang kaniyang pagiigng inosente sa kaso.
Matapos na basahin ng piskalya ang 56 pahina na hatol laban sa kaniya ay pumayaag si Biden na kaniyang nagawa ang lahat ng mga krimen.
Paliwanag ng abogado nito na si Abbe Lowell na nais ng kaniyang kliyente na ituloy ang pagdinig para sa kapakanan ng private interest para hindi na tumestigo ang kaniyang mga kaibigan at pamilya tungkol sa paggamit nito ng iligal na droga.
Sinabi ni Judge Mark Scarsi na ang paghain ng guilty plea ni Biden ay maaring makulong siya ng 17 taon at multa ng kalahating milyong hanggang isang milyong dolyar.
Nakatakda itong basahan ng hatol sa buwan ng Disyembre.
Magugunitang nanindigan si US President Joe Biden na hindi niya gagamitin ang kaniyang executive pardon para mapasawalang sala ang anak.