-- Advertisements --

Sinampahan ng tatlong kasong kriminal ang anak ni US President Joe Biden na si Hunter Biden.

Ito ay matapos na akusahan ng prosecutors si Hunter na nagsinungaling ukol sa paggamit nito ng iligal na droga para makabili ng baril noong 2018.

Ang pagsakdal kay Hunter Biden ay dinala ni US Special Counsel David Weiss sa federal court sa Delaware matapos na maghain si Biden ng guilty plea sa misdeameanor tax charge at nag-enroll sa programa para maiwalsan ang pagdinig sa gun-charge nito.

Ang mga kasong isinampa ay ang one count ng False Statement sa pagbili ng baril, one count ng False Statement Related to Information Required ng Federal Firearms Licensed Dealer at one count ng Possession of Firearms by a Person who is an Unlawful user o addict sa mga controlled substance.

Inaakusahan si Biden ng paghain ng form na hindi siya gumagamit ng iligal na droga noong Oktubre 2018 ng bumili ito ng Colt Cobra revolver at pag-mamay-ari ng baril habang gumagamit ng iligal na droga.

Sinabi naman ng White House na nagmula ang kaso sa independent investigation.

Maraming kritiko ng US President ang bumabatikos pa kay Hunter Biden dahil sa matagal na nitong paggamit ng iligal na droga.