-- Advertisements --

Ilang libong mga residente ng Jamaica ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa pananalasa ng hurricane Beryl.

Itinuturing na ang category four na bagyo ang siyang pinakamalakas na tumama sa bansa.

Nagdala ng matindng pag-ulan sa bansa na umabot sa 12 oras at nagdulot ito ng pagbaha.

Tinanggal na nila ang hurricane warning at pinalitan na lamang ng flash flood watch.

Sa ngayon ay humina na ang hurricane at naging category 3 storm na lamang ito.

Nasa 12 mga katao ang nasawi sa pagtama ng hurricane Beryl sa Caribbean.