-- Advertisements --

Lumakas pa sa Category 4 ang hurricane Beryl.

Ayon sa National Hurricane Center na mayroong taglay ito na 130 mile per hour na lakas ng hangin habang patungong Windward Islands.

Ito ang unang hurricane ng 2024 Atlantic season.

Inaasahan na magdadala ito ng malakas na hangin at pag-ulan ngayong araw.

Pinag-iingat ng National Hurricane Center ng mga mamamayan sa nasabing lugar dahil sa banta ng nasabing hurricane.

Nakataas ang hurricane warnings sa mga lugar ng Barbados, Saint Lucia, Saint Vincent , Grenadine Islands, Grenada, at Tobago.