-- Advertisements --

Nag-landfall na sa Florida ang Hurricane Debby na isang Category 1 storm.

Ayon sa National Weather Center na aabot sa mahigit 300,000 sa tatlong esado ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Inaasahan na tuluyang bababagal ang nasabing bagyo habang binabagtas nito ang Florida, Georgia at South Carolina.

Naghahanda naman ang Savannah at Charleston ng posibilidad ng malakas na pag-ulan.

Pinayagan naman ni Georgia Gov. Brian Kemp ang pagpapakalat ng nasa 2,000 na mga National Guard bilang paghahanda sa nasabing bagyo.

Una ng nagdeklara ang Georgia ng state of emergency nitong Sabado bago tuluyang mag-landfall ang nasabing bagyo.