Magbibigay umano ng $1-milyon si Hornets owner at six-time NBA champion Michael Jordan sa mga organisasyong tumutulong sa mga relief efforts sa Bahamas na sinalanta ng Hurricane Dorian.
Sa isang pahayag, sinabi ni Jordan na nababagabag daw ito sa pagkasira ng Bahamas dahil sa epekto ng nasabing bagyo.
Mayroon kasing pag-aari ang basketball icon sa nasabing bansa, at madalas din itong bumimisita roon.
“My heart goes out to everyone who is suffering and to those who have lost loved ones,” ani Jordan.
Kanya rin aniyang imo-monitor ang sitwasyon hangga’t nagpapatuloy ang recovery at relief efforts.
Ibibigay din umano niya ang pondo sa mga nonprofit agencies na labis na mangangailangan ng tulong.
“The Bahamian people are strong and resilient, and I hope that my donation will be of help as they work to recover from this catastrophic storm,” saad ni Jordan.
Noong nakaraang taon nang magbigay din ng $2-milyong donasyon si Jordan sa North Carolina na pinadapa ng Hurricane Florence.