-- Advertisements --
Dorian
Hurricane Dorian

Nasa category 3 storm ang hurricane Dorian habang nagbabanta sa Florida.

Ayon sa US National Hurricane Center (NHC) malaki ang posibilidad na tamaan ang Florida at north-western Bahamas.

May taglay ito na lakas ng hangin ng hanggang 130 mph.

Inaasahan na ito ay maglalandfall sa Linggo.

Itinuturing ng ilang mga ekspersto na ito na ang magiging matinding bagyo na tatama sa lugar matapos na manalasa ang Hurricane Andrew na ikinasawi ng 65 katao at ikinasira ng 63,000 na kabahayan noong 1992.