-- Advertisements --
Nasa category 5 storm na ang hurricane Dorian habang tinatahak ang Bahamas.
Pinayuhan ni Bahamas Prime Minister Hubert Minnis ang mga residente ng Abaco at Grand Bahamas na agad lumikas sa main island.
Aniya na mahalaga ang buhay ng 73,000 naninirahan sa mahigit 21,000 na kabahayan.
Sa pagtaya ng National Hurricane Center (NHC) na mayroong lakas na hangin ang bagyo na aabot sa 260 km per hour.
Naghahanda na rin ang mga residente ng Georgia at South Carolina sa posibleng pagtama ng hurricane Dorian.