-- Advertisements --

Maraming kabahayan sa Carribean island ng Barbados ang nawalan ng suplay ng koryente dahil sa pananalasa ng hurricane Elsa.

Mayroong dalang lakas ng hangin na 140 kilometer per hour ang hurricane ayon na rin sa pagtaya ng US National Hurricane Center (NHC).

Pinayuhan naman ni Minister of Home Affairs, Information and Public Affairs Wilfred A. Abrahams ang mga kababayan nito na huwag umalis sa kanilang bahay.

Inaasahan din na mararamdaman ang nasabing hurricane sa Haiti, Dominican Republic at Jamaica.