-- Advertisements --

Nawalan ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Puerto Rico dahil sa pananalasa ng hurricane Fiona.

Ang nasabing bagyo ay may taglay na hangin na aabot sa 130 kilometers per hours na nasa 80 km ng lungsod ng Ponce.

Aabot sa mahigit kalahating milyong customer ng electric utility ang nawalan ng suplay ng kuryente sa 3.3 milyong populasyon ng isla.

Ayon sa National Hurricane Center, nagbabanta ang nasabing bagyo sa US. May dalang malalakas na ulan at malaki ang posibilidad na magkaroon ng flash floods at mudslides dahil sa nasabing malakas na bagyo.

Nauna ng inaprubahan ni US President Joe Biden ang emergency declaration sa Puerto Rico dahil sa nasabing hurricane.