-- Advertisements --
Lumakas pa sa category 4 ang hurricaned Idalia habang nananalasa ito sa karagatang bahagi ng Florida.
May dala itong lakas ng hangin ng hanggang 130 miles per hour na nagdulot na rin ng pagbaha.
Patuloy ang paghikayat ni Florida Governor Ron DeSantis sa mga residente na lumikas na lamang.
Nagbabala naman ang National Hurricane Center na maaring magdala ang hanggang 12-16 talampakan na storm surge ang nasabing hurricane.
Maraming residente na rin ang nawalang suplay ng kuryente dahil sa na rin sa nasabing hurricane Idalia.