-- Advertisements --

Tumama na ang sentro ng Hurricane Isaias sa southern North Carolina, gabi ng Lunes (Martes bago magtanghali PH time).

Ayon sa National Hurricane Center (NHC) ang pag-landfall ng sentro ng bagyo malapit sa Ocean Isle Beach na taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 86 mph (140 km/h).

Bago pa man nag-landfall ay pinaghanda na ang mga kumunidad sa south at North Carolina sa paparating na Hurricane Isaias.

US Isaias

Una nang ibinaba ang Isaias sa tropical storm matapos na daanan ang mga isla sa Caribbean na nagdulot ng pagkamatay ng dalawang katao.

Gayunman bahagya itong lumakas habang tinatahak ang Carolinas.

Ang “Isaias” ang pang-siyam na tumamang bagyo sa Amerika ngayong taon.

Batay pa sa abiso ng NHC, ang hurricane ay magdudulot ng heavy rainfall.