Tuluyan ng humina at naging tropical storm ang Hurricane Laura matapos na mag-landfall sa Louisiana.
Ayon sa National Hurricane Center, mayroong lakas na lamang ang nasabing bagyo ng 70 mph mula sa pagiging category 4 hurrican na mayroon lakas ng hangin ng 150 mph.
Nakita aniya ang sentro nito sa northern Louisiana at patungong Arkansas.
Nagdulot naman ng malawakang pagbaha sa nasabing lugar ang bagyo at mayroong mahigit 750,000 na mga kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Naaapektuhan rin ang operasyon ng 13 paliparan sa nasabing lugar.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Louisiana State Police Emergency Services Unit (ESU) sa nangyaring leak sa BioLab chemical manufacturing facility sa Westlake, Louisiana.
Binalaan na rin nila ang mga residente na magsagawa ng ibayong pag-iingat mula sa nasabing leak malapit sa Charles Lake.