-- Advertisements --
Hurricane Lorenzo
Hurricane Lorenzo

Nasa Category 4 storm na ang Hurricane Lorenzo habang binabagtas ang central Atlantic.

Ayon sa National Hurricane Center nasa 1,360 southwest ng Azores, autonomous region ng Portugal, na may lakas na hangin ng hanggang 155 mph.

Magdadala ito ng malalakas na pag-ulan na nagbabanta ng matinding pagbaha sa nabanggit na lugar.

Inaasahan ding tuluyan ng hihina ang Hurricane Lorenzo sa mga susunod na araw.