-- Advertisements --

Nasa category 1 na ang Hurricane Milton at inaasahang mag-lalandfall sa Gulf Coast.

Ayon sa National Hurricane Center, na tinatahak ng Hurricane Milton ang dinadaan ni Helene na umabot pa sa Category 4 hurricane.

Ang nasabing bagyo ay may taglay na hangin na 80 miles per hour at ito ay nasa 815 miles west- southwest ng Tampa, Florida.

Inaasahan na magiging hurricane 3 ang nasabing bagyong Milton na magdadala ng malalakas na pag-ulan.

Pinaghahanda naman ng mga opisyal ng Florida ang kanilang mamamayan ukol sa nasabing bagyo.